Tuesday, June 8, 2010

Signs of the Times

I happened to pass by EDSA recently and noticed a refreshing change in the “scenery”. The bright-pink was gone, in comes the cool-green. Am talking, of course, about the paint job on those ubiquitous fences, urinals, and center-island metal works that the MMDA put up along the highway. I quite agree with the change in color as green is more pleasant to the eyes than (ugh!) pink. If we are promoting environmental consciousness, anyway, we better paint the town green.

When I was about to heap praises for the MMDA for this move, I suddenly saw a familiar “hideous” sign that was changed, but was not changed for the better. I am sure you have seen this before:



I did not particularly like the choice of words in the above billboard. While it may be true, it sounded a bit on the gory side. So with the changes I saw, I thought the billboard would also be improved. But lo and behold! Here’s what I saw:



Not quite what I expected, the message even went above board. I can imagine John Lloyd Cruz blurting out, “Nag-level up ka na!” For heaven’s sake, why can’t they just say: BAWAL TUMAWID DITO (or WALANG TAWIRAN DITO), DELIKADO.

But wait! I thought I was the only one pissed off by these signs. Until I came across this really, really bold statement:



Okay, this last one was obviously a spoof. Not my work, though. But I think this means there will now be at least two persons lining up at the MMDA office to ask for the head of its editor.

Anyone has a guillotine I can borrow?

--
Photos:
http://alizarinred.files.wordpress.com/2009/10/bawal-tumawid-300x214.jpg
http://28.media.tumblr.com/tumblr_l03rc452QB1qa38i6o1_500.jpg
http://i177.photobucket.com/albums/w214/linemonitor/tawid.jpg

Monday, May 17, 2010

Are they smarter than a fifth grader?


Isa na yata sa mga paboritong ipangako ng mga kandidato sa tuwing eleksyon ay ang pagbibigay ng magandang edukasyon para sa lahat. Libre pa nga sana kung nararapat dahil ito daw ang sagot sa kahirapan; ito daw ang susi sa ating pag-unlad.

Nang magtanong naman sa Facebook ang isang naging kandidato kung “Ano ang iyong bibigyang prayoridad kung sakaling ikaw ang maging Presidente?” Sagot ng karamihan ay edukasyon pa din dahil dito umano tayo parating nagkukulang.

Nakakatuwang isipin na halos pare-pareho tayo ng iniisip at pinapahalagahan subalit hindi natin nakikita na maaaring ang inaasahan nating magtataguyod nitong ating gintong layunin ay siya mismong walang sapat na edukasyon para ito ay maisakatuparan.

Ano ang aking pinatutunguhan? Simple lang. Paano mabibigyang halaga ng pamahalaan ang edukasyon kung ni hindi nga ito ginagawang mahigpit na batayan para sa pagpili ng mga magiging pinuno ng ating bansa?

Ang itinatakda lamang ng ating Saligang Batas sa usaping ito ay dapat na maalam bumasa at sumulat ang isang Pilipino upang maging kandidato sa isang posisyon sa gobyerno. Hindi mahalaga kung siya ay nakatapos ng pag-aaral, lalo pa kung ano dapat ang kanyang pinag-aralan. Ang katwiran dito ay dapat pantay-pantay ang karapatan ng lahat na maglayong magsilbing tagapamahala ng bayan.

Subalit hindi ba mas higit na mahalaga sa pang-indibidwal na karapatang ito ang pagbibigay proteksyon sa interes ng lahat, at ng bansa sa kabuuan, sa pamamagitan ng pagtatakda ng mataas na pamantayan sa kwalipikasyon ng sinumang nagnanais na maging pinuno ng sambayanan?

Kung ang mensahero o sekretarya sa isang simpleng opisina ay kinakailangang nakapagtapos man lamang ng high school, bakit hindi ito kinakailangan para sa isang mas mahalagang posisyon bilang halal na opisyal ng gobyerno?

Paano natin itatanim sa isipan ng ating mga anak ang kahalagahan ng edukasyon kung ang ating mga kagawad, kapitan, konsehal, mayor, gobernador, kongresista, senador, o maging presidente ay hindi nakapagtapos ng kanilang pag-aaral o walang sapat na kaalaman?

Hindi ba’t isang malaking kalokohan ang ituring na susi sa tagumpay ang isang bagay na hindi naman natin lubos na pinapahalagahan?

Malaking insulto na ang mga kadalasang nahahalal na mamuno sa ating bansa ay silang kapos sa karunungan. Kung kaya naman hindi natin tuluyang makamit ang pag-unlad bagama’t nababatid natin ang pamamaraan upang ito ay maabot at maisakatuparan para sa lahat.

Ang pagiging pinuno ng bayan ay may kaakibat na tungkuling nangagailangan ng kaukulang antas ng karunungan. Nararapat na ang mga mga tagapamahala ay may alam sa pamamahala at ang mga mambabatas ay may alam sa batas at sa paggawa nito.Hindi kailanman magiging sapat ang pagkakaroon lamang ng kakahayang makapagbasa at sumulat para makapamuno maski ng isang maliit na komunidad. Hindi dapat sabihing matututunan din ang mga bagay na iyon kapag ang kandidato ay naluklok na sapagkat hindi lugar ng pagsasanay ang gobyerno. Lalong hindi dapat iasa sa mga tagapayo ang tungkuling gagampanan dahil ito ang kalimitang pinagmumulan ng anomalya at kontrobersiya.

Madalas nating sigaw na ang edukasyon ay karapatan ng mamamayan. Sa ating bawat pagsigaw, nawa’y umalingawngaw na karapatan din nating pamunuan ng mga taong kumakatawan sa kahalagahan ng edukasyon na siyang tunay na magsisilbi at magsasalba sa ating bayan.

--
Photo from http://www.flickr.com/photos/27652182@N08/2687957034/

Search This Blog